Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mabibigyang hustisya ang panibagong pang-aabuso sa ating kababayan na sapilitang pinainom ng household bleach ng kanyang employer sa Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan sila sa mga otoridad sa Saudi upang mapanagot ang kanyang lady employer.
Ang OFW na si Agnes Mancilla ay kasalukuyang nasa isang ospital sa Jizan Saudi Arabia at kamakailan ay sumailalim sa laparotomy upang ma-i flush out ang pinainom sa kanyang household bleach pero ayon sa mga doktor nananatiling nasa serious condition ang OFW at nakitaan din ito ng burn marks sa kanyang likuran.
Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos na tututukan nila ang kaso ni Mancilla upang ito ay mabigyang hustisya.
Hiniling na rin aniya ni Badajos sa Filipino community sa Jizan na tulungan silang imonitor ang kondisyon ng biktima.
Nabatid na si Mancilla ay nagttrabaho sa Saudi simula pa nuong 2016 pero paulit ult itong inaabuso ng kanyang amo at hindi pa pinassweldo.
Sa ngayon hawak na ng mga otoridad sa Saudi ang lady employer ng OFW na si Mancilla.