Manila, Philippines – Umapela ang Sugar Alliance of the Philippines sa Sugar Regulatory Administration na protektahan ang industriya ng asukal.
Sa isang liham, hiniling ng grupo kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica na ipahinto muna ang importasyon ng mga asukal habang inaalam ang dahilan ng bumagsak ng presyo ng asukal sa merkado.
Isinusulong din ng grupo na kausapin muna ang mga nagpoproseso ng pagkain na pansamantalang ihinto ang pag import ng asukal.
Dapat na rin na isama dito ang pagpasok ng High Fructose Corn Syrup habang inaalam kung bakit.
Facebook Comments