WALANG LIGTAS │VACC, tiniyak na matatalo si Ombudsman Morales sa ihaharap na impeachment complaint

Manila, Philippines – Ipinahayag ng Volunteer Against Crime and Corruption na siguradong matatalo si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa inihahanda nilang nilang impeachment complaint laban dito.

Ayon kay VACC chairman Dante Jimenez, batay sa nakita niyang kapal ng mga attachment ng mga ebidensya na natipon ng kanilang mga abogado, walang ligtas si Morales sa isasampa nilang kaso.

Karamihan aniya sa mga reklamo ay patungkol sa selective justice at mga palpak na desisyon ni Ombudsman Carpio Morales.


Aniya, tatapusin lamang nila ang proseso ng impeachment complaint laban kay CJ Ma. Lourdes Sereno saka sila kikilos .

Facebook Comments