Manila, Philippines – Daan-daang mga pulis ang ipapakalat ng Manila Police District sa lansangan at mga Commercial Areas partikulang sa mga simbahan pamilihan tulad ng Divisoria Area.
Ayon kay MPD District Director Joel Coronel sa pagpasok palang ng buwan ng December ay magpapakalat na umano sila ng mga pulis na inaasahang magdadagsaaan na ang mga tao na sasabayan ng mga mapagsamantala tuwing pasko.
Dagdag ni Coronel na sisimulan na nilang ipatupad ang Holiday Security Measures upang maprotektahan ang publiko partikular ang mga Christmas shoppers sa Divisoria,Binondo,Quiapo at Sta Cruz,Ermita at Malate Manila.
Matatandaan na noong nakaraang Sabado at Linggo ay umabot na sa mahigit 7 daang libong Christmas Shopping sa Divisoria palamang kayat paalala ni Coronel sa publiko ingatan ang dala-dalahan at kung maari huwag magsuot ng mga alahas kapag pupunta sa mga matataong lugar tulad sa Divisoria.