ARESTADO | Tatlo, nahulihan ng shabu sa Sampalok Manila

Manila, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District ang tatlong kalalakihan matapos na magsagawa ng Anti-Narcotic Patrol Operation ang mga tauhan ng SDEU ng Station 4 ng MPD sa G.Tuazon Street Samaplok Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Larry Sakayan 26 anyos helper at residente ng Paltok Street Sampalok Manila,William Estacio 57 anyos Electrician residente ng G.Tuazon Street Sampalok Manila at Jayson Esguerra 57 anyos magsasapatos at residente ng Ampe Street Sta.Mesa Manila.

Ayon kay PO1 Julius Jamero ng SDEU ng Station 4 ng MPD nagsagawa sila ng Anti Narcotic Patrol Operation sa G. Tuazon dahil sa impormasyon na talamak ang pagsasagawa ng pot session sa naturang lugar.


Paliwanag ni PO1 Jamero pagdating nila sa lugar naispatan nila ang tatlo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kayat agad nila itong inaresto at hindi na nakapalag pa ang tatlo kung saan nakumpiska sa mga suspek ang mga drug parapernallas.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa naturang mga suspek.

Facebook Comments