Protesta laban sa China, inihahanda na ng Department of Justice

Manila, Philippines – Inihahanda na ng gobyerno ng Pilipinas ang formal protest laban sa China matapos ang planong pagtatayo nila ng monitoring station sa Panatag o Scarborough Shoal.
 
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kasunod ng panawagan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat maghain ng protesta ang pilipinas laban sa china.
 
Ayon kay Aguirre, kumpyansa siyang matibay ang ihahaing reklamo ng Pilipinas sa permanent court of arbitration sa Hague, Netherlands laban sa China.
 
Iginiit naman ng kalihim na desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na proteksyunan at depensahan ang soberanya ng bansa sa kabila ng mga bumabatikos sa kanya na hindi mapipigilan ang China sa mga hakbang nito.
 

Facebook Comments