Protesta laban sa China matapos itaboy ang mga mangingisdang Pinoy, ipinanawagan

Manila, Philippines – Nanawagan si Magdalo Rep. Gary Alejano sa pamahalaan na iprotesta ang napaulat na pagtataboy diumano ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Union Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, base sa kwento ng kapitan ng mga mangingisda, dalawang speed boat ng Chinese Coast Guard ang lumapit sa kanila at pitong beses na nagpaputok ng warning shot.

Kaya giit ni Alejano, dapat itong i-protesta lalo’t nangyari ang insidente habang sinasabing bumubuti na ang relasyon ng Pilipinas at China.


Dapat din aniyang isiwalat ng administrasyon ang ugnayan at napagkasunduan ng dalawang bansa sa isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – tiyak na ipoprotesta nila ito oras na mapatunayan ang insidente.

Nation

Facebook Comments