PROTESTA | Mga empleyado ng Google, nag-walkout!

Nag-walk out ang mga empleyado ng giant search engine at tech company na Google sa ibat-ibang panig ng mundo para iprotesta ang umano ay talamak na sexual harassment at discrimination sa kompanya.

Tinawag na “Google Walkout”, ang mga protesta ay reaksiyon sa lumabas na investigative report ng New York Times hinggil sa mga sexual harassment, multi-million dollar severance packages sa mga akusadong executive at kawalan ng transparency sa mga nasabing kaso na naganap sa Google sa loob ng maraming taon.

Ayon pa sa mga empleyado na nag-walk out sa Tokyo, San Francisco, New York at iba pang lugar, hindi na nila masikmura ang pananahimik ng Google sa mga bagay na ito lalung-lalo ang mga pang-aabuso laban sa mga babaeng empleyado ng Google.


Unang nagsimula ang mga protesta ng mga empleyado ng Google sa India saka ito kumalat sa Asya at sa Europa.

Facebook Comments