PROTESTA | Mga public school teachers, magsasagawa ng sitdown strike ngayong araw

Nagkasa ngayong araw ng sitdown strike ang mga guro sa pampublikong eskuwelahan sa Metro Manila.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), 350 na paaralan sa National Capital Region (NCR) ang makikiisa sa protesta para sa umento sa sahod.

Gayunman papasok pa rin sa kani-kanilang classroom ang mga guro pero hindi sila magtuturo sa mga estudyante sa normal nilang mga subjects.


Ilan lamang sa 80 paaralan sa Quezon City na maaapektuhan ng sitdown strike ay ang Sta. Lucia High School sa JP Rizal, Sta. Lucia, Novaliches, Maligaya High School sa Ilang-ilang Street, Novaliches, Bonifacio Memorial Elementary School sa Barangay Balintawak, Unang Sigaw QC at Ramon Magsaysay High School Cubao.

Pasisimulan nila ang protesta mula alas sais ngayong umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Alas 8:30 hanggang alas 12 ng tanghali naman sa Gen. Roxas Elementary School sa Barangay Roxas Quezon City.

Pagsapit ng alas dos ng hapon susugod na sa Quezon City Hall grounds ang mga guro para sa huling yugto ng kanilang protesta.

Kasama din ang 42 public schools sa Calookan, 30 sa Malabon, Mandaluyong 1, Las Piñas 40, Taguig at Pateros 13, Makati 13 Pasay 40 at Maynila 105 at sa iba pang lalawigan na magpapakita ng kanilang suporta.

Iginigiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACTs) sa pamahalaan ang umento sa kanilang sahod at karagdagan pang P3,000 sa tinatanggap nilang personnel economic relief allowance.

Facebook Comments