Protesta ng mga tutol sa Anti-Terror Law, tinapos na habang papalapit ang oras ng oral arguments

Hindi na pinaabot ng pagsisimula ng oral arguments ang kilos protesta ng iba’t ibang grupo sa labas ng Korte Suprema.

Ayon kay Teddy Casiño ng Bayan Muna, ito ay dahil sa mga ipinaiiral na protocols sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Humingi naman ng pang-unawa si Casino sa epekto sa trapiko at buhos ng tao na naglalabas lamang aniya ng saloobin kontra sa aniya’y mapanganib na batas


Umaasa naman si Casiño na magkakaroon ng patas na pagdinig ang Korte Suprema sa usapin ng Anti-Terrorism Law at papabor sa kanila ang desisyon.

Samantala, matapos ang rally ng mga grupong kontra sa Anti-Terror Law, nagsagawa rin ng demonstrasyon ang mga grupong sumusuporta sa nasabing batas.

Facebook Comments