Baguio City, Philippines – Isang Protesta ang inorganisa ng mga miyembro ng Cordillera Peoples Alliance sa pagdiriwang ng 34th Cordillera Day na may temang “Unite To Resist Tyranny” ngayong April 24.
Ayon kay CPA Chairperson Windel Bulinget ang naturang protesta ay naglalayong ipahayag ang kanilang mga adbokasiya, tulad ng pagpapahinto ng tyranny sa banda at pagsuporta para sa pagbasura ng kaso ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, laban sa que warranto.
Ipinaglalaban din ng grupo ang demokrasya,ng bawat Pilipino kasama na rin ang pag-akusa sa kanilang grupo bilang mga terorista.
Hindi din sumang-ayon ang aktibista sa papapareconstruct sa Chico River upang gawing irigasyon.
Ang naturang protesta ay patungo sa Supreme Court at babalik ang grupo sa Pacda Elementary School para sa ituloy ang programa.
Idol, anong masasabi mo?