Protestang isinampa ng YACAP Partylist sa Kabataan Partylist, ibinasura ng HRET

Ibinasura ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang protestang isinampa ng You Against Corruption and Poverty (YACAP) Partylist laban sa Kabataan Partylist.

Ito ay kaugnay sa umano’y iregularidad noong 2019 election.

Sa desisyon ng HRET na ipinalabas nitong ika-18 ng Marso, nakasaad sa Rule 17 na maaaring maghain ng election protest ang mga kandidato na nakakuha ng ikalawa at ikatlong pinakamataas na boto.


Nabatid na ang Kabataan Partylist ay nasa ika-51 na puwesto habang ang YACAP Partylist ay nasa ika-58 na pwesto mula sa 181 kandidato.

Sa ngayon, lumalabas na wala sa legal na aspeto ang YACAP Partylist para maghain ng election protest.

Facebook Comments