Protocol para sa vaccinated inbound travelers, bubuoin ng pamahalaan

Naghahanda ang pamahalaan para sa pagpasok sa bansa ng international travelers na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay bumubuo na ng inbound travel protocols para sa mga indibiduwal na nakatanggap na ng full dose ng bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang small working group ang binuo para pag-aralan at bubuo ng protocols para sa inbound international travel.


Ang Department of Tourism (DOT) ay inirekomenda ang pagluluwag ng restrictions para sa inbound foreign nationals sa pamamagitan ng paglalatag ng green lane para sa mga turistang nakakumpleto ng vaccine doses.

Sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makakatulong ito na mabuksan ang tourist attractions at makikinabang ang mga hotel at resorts, maging ang mga tour guides, operators, at service providers.

Nabatid na inamiyendahan ng IATF ang testing at quarantine protocols para sa lahat ng incoming travelers para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments