Protocol sa tourism establishments, niluwagan na

Naglabas ng bagong panuntunan ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa pagluluwag ng health at safety protocols sa tourism establishments sa bansa.

Ayon sa DOT, layon nito na lalo pang maging bukas ang Pilipinas sa mga turista at tuluyang makabangon ang tourism sector mula sa epekto ng pandemya.

Iginiit din ng DOT na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask at hindi na obligado ang pagdadala ng vaccination card sa mga establisyimento.


Iniutos din ng DOT ang tuluyang pag-aalis ng mga plastic, acrylic barrier, at divider, gayundin ng signages at visual clues sa tourism establishments.

Hindi na rin maglalabas ang DOT ng PH Safety Seal at World Travel and Tourism Council Safe Travels’ Stamp sa tourism enterprises.

Facebook Comments