PNR, nagbukas na muli ng biyaheng San Pablo-Lucena

Photo Courtesy: PNR

Binuksan muli ng Philippine National Railways (PNR) ang serbisyo ng tren sa biyaheng San Pablo-Lucena.

Ito ay makaraang maisaayos na ang tulay ng Tabag sa Barangay Bucal, Sariaya, Quezon.

Alas-6:15 ng umaga ay umalis ang biyahe ng tren mula San Pablo na tumatawid sa 45-kilometrong riles patungong Lucena.


Ang biyahe naman mula Lucena patungong San Pablo ay alas-5:50 ng hapon mamaya.

Ang pamasahe sa rutang San Pablo – Lucena at Lucena – San Pablo ay nagkakahalaga ng ₱50.00.

Samantala, ang biyahe naman mula San Pablo patungong Calamba, na may ₱55.00 na pamasahe, ay umaalis ng alas-6:25 ng umaga at ang mula Calamba papuntang San Pablo alas-6:30 ng gabi.

Facebook Comments