Protocols sa COVID-19 response, ipinare-recalibrate ng isang kongresista

Ipinare-recalibrate ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Health (DOH) ang kasalukuyang protocols sa response o pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Giit ni Garin, hindi na kasi akma ang mga hakbang ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 dahil sa patuloy pa na pagtaas ng mga naitatalang nahahawaan ng sakit sa bawat araw.

Iminungkahi ng lady solon na magkaroon ng mas maayos na information campaign tungkol sa sakit sa halip na takutin ang mga tao.


Mahalaga rin aniyang tiyakin ng pamahalaan na handa ang mga ospital at iba pang medical facilities sa pagdami ng impeksyon at may mga hakbang para sa pagbalanse ng kalusugan at ekonomiya.

Sa taya ni Garin, halos 50% ng ekonomiya sa Greater Manila Area (GMA) ang nagsara sa ipinatupad na panibagong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments