Manila, Philippines – May pagmamalaking iniulat ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 na sa loob ng dalawamput pitong magkakasunod na araw ay wala silang naitatalang aberya sa tren.
Ayon kay Aly Narvaez, tagapagsalita ng MRT-3 Management, ito na ang pinakamahabang magkakasunod na araw na walang naitatalang unloading incident ang MRT simula pa noong 2011.
Malaki aniya ang naitulong ng pagdating ng mga bagong spare parts at ang maintenance na isinagawa noong Mahal na Araw.
Umaasa ang pamunuan ng MRT-3 na magtutuloy-tuloy ang ganitong magandang takbo ng mga tren ng MRT-3.
Sa ngayon nasa labinglima na tren ang operational at tumatakbo habang nasa 7.5 minuto ang pagitan ng pag-aantay ng susunod na tren.
Facebook Comments