PROUD DADDY | Jomari Yllana, ipinakilala sa publiko ang kanyang baby boy

81

Manila, Philippines – Happy and proud si Jomari Yllana matapos na maisilang na ng non-showbiz girlfriend niyang si Joy Reyes ang kanyang bagong baby boy.

Sa kanyang instagram account, nag-share ang aktor ng larawan nila ni Chistiano Ayrton na binigyan niya ng palayaw na Baby Jomjom.

Noong nakaraang taon nang ianunsyo ni Jomari na magiging tatay siya muli.

Bago ang relasyon sa non-showbiz girlfriend, si Jomari ay naikasal sa aktres na si Aiko Melendez.

Mayroon silang isang anak na lalaki, si Andre.

Facebook Comments