PROUD MOM | Andi Eigenmann, umani ng paghanga at respeto mula sa ina niyang si Jaclyn Jose

Manila, Philippines – Labis ang paghanga at respeto ngayon ng veteran actress na si Jaclyn Jose sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Ito ay matapos na payagan ni Andi ang anak niyang si Ellie na makasama ang daddy nitong si Jake Ejercito sa kanyang Graduation Day sa Singapore.

Ito ay kahit pa birthday ngayon ni Andi kung first time na hindi niya makakasamang mag-celebrate si Ellie.


Sa instagram account ni Jaclyn Jose, ibinahagi niya ang naging pag-uusap nila ni Andi kung saan tinanong niya ang aktres kung bakit niya pinayagang sumama kay Jake si Ellie.

Paliwanag ni Andi, minsan lang mag-graduate si Jake habang marami pang birthday niya ang darating.

Agree naman daw dito si Jaclyn at sinabing mas lalo siyang pinapahanga ni Andi sa pagmamahal nito sa kanyang anak.

Facebook Comments