Pahuhusayin pa dalawang agendang tinalakay ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan – ang Joint Venture Code at ang Implementation of the Universal Health Care: Province-Wide Health Systems.
Sa ginanap na regular session ng SP, pagtitibayin pa ang Joint Venture Code ng Lalawigan ng Pangasinan na naglalayong magpatuloy ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPPs). Ito naman ay sa mithiing makapagpatayo ng mas maraming “infrastructure, development at social service-related” na mga proyekto para sa ikauunlad ng mga Pangasinense.
Kabilang din ang pagtalakay sa ordinansang “Strengthening And Localizing The Health Promotion Framework Through Designation Of Volunteer Barangay Health Workers (BHWs) As On The Ground Health Education Promotion Officers (HEPOS) For The Implementation Of The Universal Health Care: Province-Wide Health Systems”, na naglalayong pagtuunan ng pansin ang mga BHW at ang kanilang mga tungkulin.
Sa pamamagitan naman ng pagkilala sa mga BHW ay magreresulta sa tuloy tuloy na pagsulong ng Universal Health Care sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Dinaluhan ito ng mga SP Members at ilang pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan. |ifmnews
Facebook Comments