Nagsagawa ng site tour/visitation sa Salt Farm sa Brgy. Zaragoza bayan ng Bolinao, Ang mga matataas na opisyal at heads ng probinsya gaya na lamang ng provincial administrator at lahat ng hepe ng mga ospital maging ng mga iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan nito lamang unang linggo ng Abril ngayong taon.
Ang pagbisita sa salt farm ay bahagi ng kanilang lingguhang pagpupulong na karaniwang ginaganap tuwing araw ng Martes. Ang naturang talakayan ay isinasagawa upang magbigay ng ‘weekly updates’ ang bawat tanggapan at ospital patungkol sa mga programa, proyekto o balakin ng bawat isa.
Matatandaan na nauna nang nag-isip ng mga hakbangin ang Pamahalaang Panlalawigan upang muling mapanumbalik ang sigla ng industriya ng asin sa probinsya kabilang na rito ang pag-operate ng naturang salt farm sa Bolinao na inaasahang makapagbigay ng maraming trabaho sa komunidad.
Layunin nito upang magkaroon ng update sa mga ganitong lugar o pagawaan sa Pangasinan upang patuloy pa na masuportahan ng pamahalaan para sa ikabubuti ng ganitong hanap-buhay at isa sa pangunahing produkto ng probinsya ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments