Provincial bus ban sa EDSA, ipatutupad na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija, hindi na maaaring magsakay o magbaba ng mga pasahero sa EDSA.

Lahat aniya ng mga darating na pasahero mula sa iba’t ibang probinsya ay bababa sa mga terminal.


Sabi pa ni Nebrija, makikipag-ugnayan rin sila sa lokal na pamahalaan ng Pasay at Quezon City na nakakasakop sa karamihan ng mga bus terminal sa EDSA.

Pagtitiyak pa ni Nebrija, magpapatupad sila ng “no day off, no absent” policy para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Facebook Comments