Provincial bus operators, naghahanda na sa pagbabalik ng face-to-face classes

Pinaghahandaan na ng mga provincial bus operators ang pagbabalik ng full face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. Executive Director Alex Yague, nagagamit na nila ang kanilang mga terminal sa loob ng Metro Manila simula noong Abril 29.

Pero pangamba ng grupo, maaaring magpalipat-lipat ng sakay ang mga estudyante dahil sa pinutol-putol na ruta.


Dagdag pa ni Yague na ang mga ruta na ito ay pinag-aralan nang mabuti ng nakaraang administrasyon para maserbisyuhan ang mga nasa probinsiya.

Nakatakdang magpulong ang grupo at ang Department of Transportation (DOTr) sa Hulyo 21 tungkol sa mga problemang pangtransportasyon.

Samantala, umapela rin ang Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga lokal na pamahalaan na dapat maging handa rin ang mga school service at tricycle sa pagbabalik ng klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Facebook Comments