Kaso ng dengue sa bansa, umaabot na sa mahigit 65,000

105

Umaabot na sa 65,190 ang dengue cases sa bansa mula January 1 hanggang July 2, 2022.

Ito ay mas mataas ng 83% kumpara sa kaso sa noong nakaraang taon na 35,715 sa kaparehong panahon.

Ayon sa DOH, pinakamaraming kaso ay naitala sa Region III 9,448 (14%), Region VII 7,771 (12%) at Region IX 5,708 (9%).


Mula June 5 hanggang July 2, 2022, naitala rin ang 16,324 na kaso sa Region III: 3,196 (20%) NCR: 1,729 (11%) Region VII: 1,703 (10%).

Habang ang bilang naman ng kabuuang nasawi sa dengue ngayong taon ay nasa 0.4% lamang.

Facebook Comments