Nagbabala ang grupo ng mga provincial bus sa posibleng kakulangan ng mga bumibiyaheng bus pagdating ng Disyembre.
Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Incorporated, mangyayari ito kung hindi pa papabalikin ng gobyerno ang mga provincial bus company sa dating nitong mga terminal.
Anila, bagama’t pinayagan nang makabiyahe, nasa 4,000 bus sa kanilang grupo ang ayaw pa ring bumiyahe.
Batay kasi sa kondisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tanging sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) lamang ang babaan at sakayan ng pasahero.
Giit ng ilang driver at operator, gustuhin man daw nila ay wala silang makukuhang pasahero doon kaya’t malulugi lamang sila.
Facebook Comments