Lingayen Pangasinan – Wala paring proklamasyong sa pagka-gobernador at bise gobernador sa lalawigang Pangasinan dahil hanggang ngayon ay hindi parin natatapos mag-transmit ng mga boto ang lahat ng bayan sa lalawigan.
Dakong ala-sais ng gabi kahapon ng mag-desisyon ang mga kinatawan ng provincial board of canvassers na itigil panandalian ang pagbibilang at nag-resume ito ng alas-nuebe ngayong umaga. Sa ngayon nasa anim pang mga bayan ang hindi pa nakakapag-transmit ng mga boto, ito ang mga bayan ng Bugallon, Mangaldan, Lingayen, San Carlos, San Fabian, at Tayug.
Sa patuloy na bilangan nangunguna parin si incumbent governor Amado Pogi Espino III na may botong 774,039 kontra kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste sa pagka-gobernador na may 577,724 base sa partial and unofficial result. Sa pagka-bise gobernador naman ay nangunguna si Mark Lambino na may 710,772 kontra kay Angel Baniqued Sr. na 493,625 base sa partial and unofficial result.
Samantala pormal ng naproklama na ng provincial board of canvassers ang ilang kandidato sa pagka-board members at congressman mula District 1 at 5.