Provincial consultation kaugnay sa Chacha, sinimulan na ng Kamara

Sinimulan na House Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Rep. Rufus Rodriguez ang regional public consultation ukol sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Idinaos ito sa University of Science and Technology of Southern Philippines sa Cagayan de Oro City at susunod sa Iloilo, San Fernando sa Pampanga at San Jose Del Monte sa Bulacan.

Halos 340 ang dumalo sa pagdinig mula sa iba’t ibang sektor tulad ng negosyo, academe, youth, government agencies, local government units, at iba pa.


Hiningi ng komite ang kanilang pananaw kung dapat na bang amyendahan ang konstitusyon, sa anong paraan at anong mga probisyon ang dapat baguhin.

Sa talakayan ay nagpahayag ng pagpabor si Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc., President Raymundo Talimio Jr., sa Chacha sa pamamagitan ng constitutional convention.

Bukas din si Talimio sa pagdagsa ng Foreign Direct Investments (FDIs) and foreign companies sa ating bansa na inaasahang makakatulong sa paglago ng Micro, Small and Medium Enterprises at paghikayat ng mas maraming negosyo.

Lumutang din ang pangangailangan na pagbutihin ang kalagayan ng mga seafarer at magsasaka at dapat din itong makatugon sa lahat ng uri ng diskrimnasyon.

Nabanggit din na dapat maging target ng Chacha ang pag-amyenda sa economic provisions para mapalakas ang National Labor Relations Commission at National Commission of Muslim Filipinos.

Facebook Comments