PROVINCIAL GOVERNMENT NG LA UNION, SUPORTADO ANG KAUNA UNAHANG LANDFILL SA PINAS SA ILALIM NG GRATUITOUS SPECIAL LAND USE PERMIT

Suportado ng provincial government ng La Union ang unang landfill sa Pilipinas sa ilalim ng Gratuitous Special Land Use Permit o GSUP na matatagpuan sa San Juan, La Union na siya namang pinasinayaan nito lamang huling linggo ng Mayo.
Nasa inagurasyon ang mga kumakatawan sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union (PGLU).
Binigyang diin ni Department of Environment and Natural Resources-ARD Forester Felix Taguba ang kahalagahan ng pasilidad na ito bilang kauna-unahan sa bansa na nabigyan ng GSUP ng DENR.

Gratuitous Special Land Use Permit o GSUP na ipinagkaloob ng ahensya ng DENR ay nagpapahintulot na magamit ang isang lupain para sa isang partikular na layunin nang walang anumang bayad o kabayaran.
Malaking hakbang din umano para sa probinsya ng La Union ang landfill na ito kung saan kumakatawan ito sa pangangalaga sa kapaligiran at pagtiyak ng isang mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Pinuri rin ng hanay ng DENR ang LGU San Juan sa dedikasyon nito sa solid waste management kung saan binibigyan diin nila ang kahalagahan ng pamamahala ng basura sa antas ng barangay at ang kasiguraduhan na patuloy silang susuportahan at gagabayan ng DENR sa pagpapatupad ng mga regulasyong pangkalikasan. |ifmnews
Facebook Comments