Provincial government ng Lanao Del Sur – hindi magdedeklara ng state of calamity matapos ang magnituse 6.0 na lindol

Lanao Del Sur, Philippines – Patuloy ang isinasagawang assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pinsalang idinulot ng magnitude 6.0 na lindol sa Wao, Lanao Del Sur kaninang madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng wao MDDRMC, nasa higit 40 kabahayan at gusali ang nasira bunsod ng pagyanig.

Wala namang naitalang casualty sa mga pektadong lugar.


Ayon naman kay Lanao Del Sur Vice Governor Bombit Andiong – hindi na sila magdedeklara ng state of calamity dahil dalawang munisipyo lang naman ang apektado.

Gayunman, tiniyak nitong handa ang provincial government sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Samantala, itinaas ng PHIVOLCS sa “destructive” intensity 7 ang Wao, Lanao Del Sur at Kalilangan, Bukidnon dahil na rin sa matinding pinsala ng lindol.

Facebook Comments