Dating first gentleman Mike Arroyo – humirit ng isang buwang Europe tour sa Sandiganbayan; mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay, humiling ring maka-biyahe patungong Israel

33

Manila, Philippines – Humihirit ngayon si dating first gentleman Mike Arroyo sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe sa loob ng isang buwan sa pitong bansa sa Europa sa darating na Mayo.

Sa mosyong inihain nito sa 7th division ng Anti-Graft Court, humingi si Arroyo ng permisong maka-biyahe sa Spain, France, Denmark, Norway, Hungary, Czech Republic at Italy mula may 15 hanggang June 17.

Katwiran ni Arroyo, hindi pa naman siya nahahatulan kaya may karapatan pa rin siyang makabiyahe at handa rin aniya siyang sumunod sa requirements ng korte.

Kasalukuyan pa rin kasing nililitis ang kasong graft ni Arroyo kaugnay sa kwestiyonableng pagbili ng Philippine National Police sa dalawang second hand na helicopters noong 2009 na noo’y ipinalabas na bago o brand news.

Samantala, naghain din ng mosyong makabiyahe sa Mayo patungong Israel ang mag-amang sina dating Vice President Jejomar Binay at dating makati Mayor Jun-Jun Binay.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa mga kasong malversation, graft at falsification dahil sa umano’y overpriced na Makati Parking Building.

Facebook Comments