Zamboanga Del Norte, Philippines – Inaprubahan ngayon ng mga sakop ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga Del Norte sa pangunguna ni Vice-Governor at presiding officer Senen Angeles ang pagbibigay ng ayudang pinansyal sa 1st Infantry (Tabak) Division Philippine Army na nakabase sa Pulacan, Labangan, Zamboanga Del Sur.
Ito ang napag-alaman matapos naman matanggap ng mga mababatas ng probinsya ang liham ni Zamboanga Del Norte Governor Roberto na humihiling sa konseho na mabigyan siya ng pahintulot na pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) hinggil dito.
Kaugnay nito, nagpasa ng isang resolusyon si Board Member Venus Uy, Chairman ng Committee on Finance and Appropriations para pumirma sa isang MOA sina Governor Uy at Col. Allan Hambala, chief of staff ng 1st Infantry Tabak Division hinggil sa ibibigay na ayuda ng probinsya na nagkakahalaga ng P770,000.00 para sa repair at repainting ng officers at enlisted personnel club house sa ilalim ng programa nito na “adopt a team tabak facility” na nasa kuta Major Cesar L. Sang-An ng Barangay Pulacan, Labangan, Zamboanga Del Sur.
DZXL558