PROVINCIAL GOVERNMENT OF ISABELA, NAKATANGGAP NG PARANGAL

Cauayan City – Sa huling Lunes Convocation ng taong 2024, pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) si Assistant Provincial Budget Officer Flordeliza L. Guifaya.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Noel Manuel R. Lopez, pinatunayan ni Ms. Guifaya ang mataas na antas ng kakayahan at pagiging bukas sa pamumuno bilang Officer-In-Charge ng Provincial Budget Office.

Kasama rin sa mga ginawaran si dating PSWD Officer Lucila M. Ambatali na parehong kinilala ng Isabela Provincial Employees Multi-purpose Cooperative bilang miyembro ng Board of Directors dahil sa kanilang mga inisyatibo at walang pag-iimbot na paglilingkod para sa kapakanan ng mga empleyado.


Bilang pagkilala rin, tumanggap ng token si Atty. Lopez mula sa mga pinuno ng PGI bilang parangal sa kanyang pagiging Dangal ng Bayan Awardee sa Civil Service Commission Region II’s 2024 Search for Outstanding Government Workers.

Facebook Comments