Tuesday, March 3, 2026

Provincial groups at mga major political parties na kabilang sa party list system, sinita ng isang senador

Tinalakay sa Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation ang Party list Reform Bills na layong matiyak na lehitimong mga marginalized sector at indibidwal ang magiging kinatawan ng partylist.

Binusisi ni Senate President Tito Sotto III sa pagdinig ng senado kung marginalized ba na matatawag ang mga provincial groups na marami ngayon sa Kamara na kumakatawan sa mga lugar at rehiyon.

Maliban dito, kinwestyon din ni Sotto kung bakit nakakapasok at pinapayagan sa partylist system ang mga major political parties sa bansa na malinaw namang hindi nabibilang sa mga maralita, magsasaka, mangingisda, matatanda, may kapansanan, at iba pang mahihirap at vulnerable sector.

Mariin ding iginiit ng Senate President na striktong sundin ang 2% na vote threshold sa mga party list at huwag nang isama pa ang mga party list na hindi naman nakaabot sa quota na 2% na itinakdang boto na kailangang makuha.

Aniya kung sampung partylist lang ang nakapasok sa 2% ng kabuuang bilang ng boto ay 10 lang dapat ang maluluklok na party list representatives at ipagbawal na paupuin ang mga hindi nakakuha ng vote threshold para lang mapunan ang mga bakanteng upuan.

Facebook Comments