Gumawa na ng panibagong estratehiya ang Provincial Health Office katuwang ang Provincial Government ng Pangasinan upang mailapit at mapabilis ang vaccination roll out kontra COVID-19.
Kaugnay nito, bumuo na ng Vaccination Team ang PHO upang magtungo sa mga barangay ng Pangasinan para magbakuna laban sa COVID-19 para sa mga residente ng lugar.
Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, anim na Vaccination Team ang kanilang binuo na susuyod at pupunta sa bawat barangay sa lalawigan para hanapin ang mga hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.
Sinabi pa nito na aabot pa sa 300,000 indibidwal ang kailangang bakunahan sa Lalawigan laban sa COVID-19. Malaking bilang pa aniya ito bago makamit ng Pangasinan ang target na “Herd Immunity” laban sa virus.
Kaugnay nito, patuloy ang kanilang paalala sa publiko na sumunod sa minimum public health standards laban sa COVID-19 at magpalista na para sa bakuna.
Nabatid na kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa panibagong lugar na isinailalim ngayon sa alert level 3 simula ngayong araw, January 14, hanggang January 31 dahil sa pagtaas muli ng naitatalang kaso ng COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments