PROVINCIAL JOINT SECURITY CONTROL CENTER, ACTIVATED NA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN PARA SA BSKE 2023

Ngayong araw na ng Lunes ang simula ng Filing ng Certificate of Candidacy para sa mga magbabalak kumandidato para sa halalan Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre.
Dahil dito, activated na ang magiging katuwang ng Commission on Elections sa halalan o ang Provincial Joint Security Control Center sa lalawigan ng Pangasinan.
Binubuo ito ng COMELEC, PNP at AFP para magbantay sa magaganap na halalan ngayong taon.

Matatandaan na sinabi ni Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor na all systems go na ang hanay ng komisyon kasama ang kanilang mga magiging katulong sa pangangasiwa ng eleksyon.
Pangungunahan ni PNP Provincial Director Jeff Fanged ang mga kapulisan sa lalawigan gayundin si Brigade Commander 702nd Infantry Batallion Phil Army BGen. Gulliver Señires ng Philippine Army ang ukol sa peace and order sa pagbubukas ng COC.
Ayon pa kay Salas, nagkaroon ng pag-uusap ang mga Election Officer kasama ang mga local PNP para naman sa seguridad sa kung saan sila nakatalaga.
Bukod sa paglulunsad ng COC Filing, ilulunsad din ang Election Gun Ban sa bansa ngayong araw ng Lunes.
Inilunsad naman nitong ika-27 ng Agosto ang COMELEC Checkpoint sa buong bansa bilang suporta sa nalalapit na halalan. |ifmnews
Facebook Comments