PROGRAMANG LIWANAG AT LINGAP, HATID PARA SA MGA DAGUPEÑOS

Hatid para sa mga Dagupeños ang programang Liwanag at Lingap” Field Hospital Services na mula sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros.
Saklaw nito ang mga libreng serbisyong pangkalusugan tulad check up, Laboratory Test, BLOOD CHEM (Sugar, Cholesterol, Uric, Hemoglobin), Urinalysis, Blood Pressure, ECG(electrocardiogram), Doppler, gayundin ang pamamahagi ng mga Vitamins at mga medisina.
Layon ng nasabing mga serbisyong pangkalusugan na maipagkaloob ang mga nararapat ng serbisyo sa mga Dagupeño lalo na ang mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Samantala, bumisita nito lamang Biyernes si Sen. Risa Hontiveros sa lungsod upang personal na dumalo sa nasabing programa at nakapagpamahagi ng mga relief packs sa mahigit dalawang libong solo parents mula sa tatlumpo’t-isang barangay sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments