Nanindigan ngayon ang Provincial Veterinary Office ng Pangasinan na walang naitalang kaso ng African Swine Fever sa lalawigan.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Jovito Tabajeros ng Pangasinan Provincial Veterinary Office na wala nang naitalang kaso ng ASF sa lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na isinasagawang sentinelling program at ng campaign education ng hanay maging ng biosecurity measures sa mga hog raisers o sa mga may ari ng mga babuyan sa probinsiya para maiwasan ang sakit ng mga baboy na ASF.
Dagdag pa nito na sa patuloy na isinasagawa nilang mga hakbang ay mas lumawak pa umano ang industriya ng babuyan sa lalawigan dahil naniniwala at kampante na ang mga negosyante dahil malaya na sa ASF ang probinsya.
Samantala, magandang balita dahil wala pa umanong naitatalang anumang sakit at peste sa mga alagang hayop na livestock at poultry sa Pangasinan.
Base sa pagtatanong tanong naman ng IFM Dagupan sa mga meat vendors sa Malimgas public market sa Dagupan, naging mabilis umano ang bentahan ng karne ng baboy at manok dahil sa mga nagdaang okasyon kuing saan nasa P280-300 ang kada kilo nito. | ifmnews