PAMILYA NG YUMAONG ALKALDE NG BAYAN NG CALASIAO, BINIGYANG LINAW ANG PAGPANAW NITO

Binigyang-linaw ngayon ng pamilya ng namayapang alkalde ng bayan ng Calasiao, Pangasinan na si Late Hon. Mayor Mamilyn “Maya” Agustin-Caramat ang naging sanhi ng pagpanaw nito.
Sa isang panayam sinabi ng kasalukuyang Municipal Administrator ng bayan na si Patrick Caramat, anak ng punong bayan ang sanhi ng biglaang pagpanaw nito kung saan organ failure umano ang dahilan at hindi dahil sa hypertension at stroke, taliwas sa mga naunang lumabas sa mga impormasyon.
Dagdag pa ng batang Caramat na wala umanong iniindang sakit ang kanyang ina na sanhi ng agarang pangyayari.

Pinabulaanan naman nito ang mga bali-balitang napagod umano ang Mayora sa mga dinaluhan nitong okasyon at pagtitipon ngunit aniya, ito umano ang gustong gawin ng kanyang ina sa bayan.
Pasasalamat naman ang nais iparating ng pamilya ng alkalde sa mga taong patuloy na nagpapaabot ng pakikiramay, pagmamahal at suporta sa ina ng bayan.
Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ng alkalde sa pribadong resort ng pamilya sa Brgy. Nalsian bayan ng Calasiao.
Samantala, sa January 18, 2023 araw ng Miyerkules ang nakatakdang libing ng alkalde. | ifmnews
Facebook Comments