Provisionary service, ipinatutupad ng LRT-2 dahil sa nararanasang technical problem

Kasalukuyang nagpapatupad ng provisionary service ang LRT Line 2 dahil sa technical problem.

Dahil dito limitado lamang ang biyahe ng mga tren ng LRT-2.

Ito ay mula Recto Station hanggang Araneta Center-Cubao Station at pabalik.

Hindi pa masabi ng pamunuan ng LRT kung kailan maibabalik ang normal na operasyon nito.

Facebook Comments