Proyekto laban sa korapsyon, inilunsad ng pamahalaan

Inilunsad ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang ‘Project Kasangga: Aksyon laban sa Korapsyon’ na kinabibilangan ng 49-member inter-agency coordinating council.

Ayon kay PACC Chairman Greco Belgica, si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsisilbing Chair of the Council sa kabila ng pagtutol nito isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa umano’y pagbili ng mga overpriced COVID-19 pandemic supplies habang si Belgica naman ang tatayo bilang Vice Chair.

Sa nasabing proyekto, magkakaroon aniya ng PACC sa bawat opisina hanggang sa bawat barangay para labanan at pigilan ang korapsyon.


Samantala, nanawagan si Duterte sa publiko na magtulungan ang lahat para maabot ng bansa ang minimithi nitong corruption-free Philippines.

Facebook Comments