Proyekto ng DPWH na Natigil dahil sa ECQ, Ipagpapatuloy!

Cauayan City, Isabela- Ipagpapatuloy ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng mga natigil na plano o proyekto nito na dapat isagawa sa bawat rehiyon sa bansa.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Isabela Governor Rodito Albano III at pinuno ng Regional Development Council (RDC) sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Aniya, nakatakdang magkaroon ng meeting ang RDC sa darating na Miyerkules upang pag-usapan ang lahat ng mga plano o gagawing proyekto ng pamahalaan para sa bawat probinsya sa rehiyon dos.


Ayon pa kay Gov. Albano III, itinuloy din ang paggawa sa mga malalaking tulay sa Isabela gaya ng Siffu Bridge sa bayan ng Roxas, Isabela matapos na matigil dahil sa Enhanced Community quarantine bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Samantala, ipagpapatuloy rin ang ilan pang proyekto ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela gaya sa pangkalusugan at pangkalinisan.

Facebook Comments