Misleading daw ang online report na gumastos ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng P107.57 Million para sa rehabilitasyon ng mga waterways.
Ayon sa kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, hindi totoo ang balita na mahigit isangdaang Milyon ang kanilang ginasta noong 2018 para sa rehabilitasyon at development ng anim na waterways sa Maynila at San Juan.
Sinabi ng PRRC na misleading ang naturang balita at layuning palabasin sa pubiko na ginagamit ng mali ang public funds na hindi umano gagawin kailanman ng komisyon.
Ani Goitia, as of December 2018, nasa P29.63 Million pa lamang ang nagagastos ng komisyon sa rehabilitasyon ng San Juan River at limang estero sa Maynila na ngayon ay nagpapatuloy pa.
Iginiit ni Goitia na strikto ang PRRC sa pagmonitor ng proyekto at anumang pagkakabinbin nito ay wala sa control ng komisyon.
Isa sa nagiging dahilan ng pagkabalam ng proyekto ayon sa PRRC ay resettlement sa mga pamilyang naninirahan sa palibot ng GMA estero.
“As early as 2016, PRRC already resettled informal settler families and dismantled illegal structures occupying the legal easements of Estero de Magdalena to pave way for the construction of a linear park development project. As soon as we finished the relocation and easement recovery, the Linear Park Project was put up for bidding and awarded according to procurement laws. However, during the last quarter of 2017, the barangay officials in the area allowed families who were left homeless by a fire incident in Manila to occupy the already recovered easements of Estero de Magdalena,” ani Goitia.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang PRRC sa National Housing Authority (NHA) para mabigyan ng relocation houses ang mga pamilyang ayaw umalis sa Estero De Magdalena hangga’t walang tiyak na malilipatan.
May ilang opisyal din ng barangay ang tinatakot pa ang mga field engineer ng PRRC at pinahihinto ang kanilang rehabilitasyon sa Estero dela Reina at Estero de Pandacan.
“We have no intention of slowing down as there is so much work to be done to keep the Pasig River System clean and alive. More importantly, I will never let government funds to be wasted on incomplete projects,” dagdag pa ni Goitia.
Matatandaan na noong nakaraang taon kinilala ang PRRC ng International RiverPrize Foundation sa kanilang Inaugural Asia RiverPrize dahil sa malawakan na pagtugon ng problema na kinahaharap ng Ilog Pasig at sa kabila ng limitadong pondo alinsunod na rin sa mandato nito na ibalik ang taglay ng Pasig River para sa mga isda, ibon, mga puno at iba pang Aquatic plants -mula sa dating itinuring nang patay na ilog.