Nagpalabas ng abiso ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa publiko dahil sa nalalapit na ang panahon ng tag-ulan ay umpisa na rin ang palago at paglutang ng mga water hyacinth plants sa Ilog Pasig mula sa Laguna lake.
Biyaya kung ituring ng PRRC ang mga water hyacinths.
Indikasyon daw ang paglitaw ng mga water hyacinths sa ilog Pasig na ang lebel ng tubig sa Lawa ng Laguna ay mas mataas kumpara sa Manila bay o sa mismong mean sea level (MSL) nito.
“We would like to educate the public that water hyacinths are a blessing from God. We use them in removing heavy metals from the Pasig River and its tributaries,” said PRRC Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia.
“Also, we use them as raw materials in our handloom weaving livelihood program. We help poor families in BASECO convert water hyacinths into table runners, fans, slippers and bracelets,” dagdag pa ni Gotia.
Muli namang pinagana ng PRRC ang kanilang Task Force Water Hyacinth group para masiguro na hindi makakaabala ang paglipana ng mga water hyacinths sa matiwasay na paglalakbay ng publiko sa Pasig River Ferry Service.
Sa nakalipas na dalawang buwan ay bumaba ang lebel ng lawa ng Laguna.
Dahil dito ay kagyat na nagsagawa ng paraan ang PRRC para maibsan ang pagpasok ng tubig-alat mula sa Manila bay patungo sa Laguna lake.
Isa sa mga natukoy na sanhi ng pagtatas ng tubig sa Manila bay ay ang mahigit 300,000 na kilo ng basura mula rito.
Ang PRRC ay ang ahensiya ng gobyerno na ginawaran ng International River Foundation sa kauna-unahang Asia River Prize, ang pinakamataas na parangal na ipinagkaloob sa mga organisasyon sa Asya Pasipiko na nagsusumikap para sa pagpapanumbalik ng taglay ng kagandahan ng mga ilog na minsan nang sinira ng polusyon.