PRRD, 2 beses nagnegatibo sa COVID-19 test

Kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, na huling nagkaroon ng exposure si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID positive ay nitong nakalipas na Linggo, Enero 30, 2022.

Ayon kay Nograles, negatibo ang resulta ng RT-PCR test ng pangulo noong Lunes, Enero 31, 2022 at nagnegatibo ulit sa ikalawang RT-PCR test result nito noong Martes, Pebrero 1, 2022.

Una nang sinabi ng Palasyo na ang kanyang household staff o kasambahay ang close contact ng pangulo na kumpirmadong COVID positive.


Bagama’t negatibo sa virus, naka-quarantine ngayon ang pangulo at patuloy pa ring nagtatrabaho.

Sa katunayan, tuloy ang komunikasyon nito sa kanyang mga gabinete upang masiguro na tuloy-tuloy ang serbisyo publiko.

Samantala, nilinaw rin ni Nograles na ang pagpunta kamakailan ng pangulo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan ay ang kanyang routine medical check-up taliwas sa mga lumabas na ulat sa social media na emergency umano ang pagpunta rito ng pangulo.

Facebook Comments