PRRD, aminadong deteriorating ang kanyang kalusugan

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang umamin na deteriorating o lumalala ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Gayunman, sinabi nito na wala naman siyang seryosong karamdaman.

Sa katunayan, nagmotor pa siya kagabi nang matapos ang mga aktibidad niya sa Palasyo.


Ayon sa Pangulo, sa tuwing lumilipas ang taon ay palagi siyang natatanong sa lagay ng kaniyang kalusugan, at parati rin aniya niyang sinasabi na hindi gumaganda dahil tumatanda na siya.

Ilan aniya sa mga nauna nang itinanong sa kaniya ay kung meron ba siyang kanser sa atay, sa kidney o sa utak.

Pero ayon sa Pangulo, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil  wala siyang anumang seryosong sakit.

Facebook Comments