PRRD, aminadong ‘di kayang solusyunan ang problema sa trapiko sa EDSA

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya natupad ang kanyang campaign promise na ayusin ang traffic sa EDSA.

Dito ay sinisi ng Pangulo ang Kongreso dahil sa hindi nito pagbibigay sa kanya ng emergency powers.

Ayon sa Pangulo, maaayos niya ang problema sa EDSA kung mabibigyan lang siya ng extraordinaryong kapangyarihan katulad ng ibinigay kina dating Pangulong Fidel Ramos at Cory Aquino.


Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na kailanman ay hindi niya sinabi na hindi magkakaroon ng bidding.

Samantala, sa kabila nito ipinagmalaki naman ng Pangulo ang mga bagong batas na kanyang napirmahan, kabilang na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, Universal Health Care Law at ang kasalukuyang status ng Build, Build, Build Program.

Facebook Comments