Inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong campaign sorties para suportahan ang kanyang mga pambato sa midterm elections.
Bukas (May 8), inaasahang pupuntahan ng Pangulo ang campaign rally sa Bohol, sa Huwebes (May 9) ay nasa rally siya sa Davao City, habang nasa Manila siya sa Sabado (May 11).
Hudyat ito ng pagtatapos ng tatlong-buwang kampanya ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – pagkatapos pumunta ng Pangulo sa Bohol, sasama ang Pangulo sa campaign caravan ng HNP sa Davao City sa Huwebes at PDP-Laban miting de avance sa Manila, ang huling araw ng kampanya.
Bagamat ang PDP-Laban at HNP ay nakahanay sa administrasyon, ang kanilang senatorial line-ups ay hindi magkaparehas.
Ang PDP-Laban ay may limang senatorial candidates at pitong guest candidates habang ang HNP ay ine-endorso ang 13 senatorial bets.