Inaasahang tutungo si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo para dumalo sa Belt and Road Forum.
Dito ay posibleng magkaroon ng bilateral meeting ang Pangulo kay Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – walang dahilan ang Pangulo para kanselahin ang nakatakdang pagpunta niya sa Beijing.
Matatandaang kinuwestyon ng Malacañang, lalo na ng Pangulo ang pag-aaligid ng Chinese vessels malapit sa Pag-asa Island.
Samantala, dadalo naman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Boao Forum for Asia ngayong araw hanggang bukas.
Inaasahang maghahatid ng talumpati rito si Pangulong Duterte at si BFA Secretary General Li Badong.
Facebook Comments