Ipinagtanggol ng Malacañan si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pahayag ni Swedish Ambassador Harald Fries.
Ito ay matapos sabihin ng envoy na ang mga rape jokes ng Pangulo sa mga kababaihan ay hindi nakakatawa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – naiintindihan nila ang sentimiyento ni Fries, pero dapat ding tingnan ang konteksto ng mga biro ng Pangulo.
Dagdag pa ni Panelo – dapat husgahan ni Fries ang Pangulo hindi sa salita nito pero sa gawa nito.
Ang Pangulo Duterte ay may malaking respeto sa mga kababaihan.
Matatandaang sinabi ng Swedish envoy ang pahayag niya matapos maging panauhin sa forum na #Respetonaman: A Nationwide Campaign Against Gender-Based Violence in the Philippines.
Facebook Comments