PRRD, dumalo sa binyag ng kanyang apo sa tuhod na si Rodrigo ‘Tres’

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa binyag ng kanyang apo sa tuhod na si Rodrigo ‘Tres’ Duterte III sa Davao City.

Sa mga litratong mula kay Sen. Bong Go, makikitang aliw na aliw ang Pangulo sa kanyang apo.

Kasama sa okasyon ang ilang bisitang malapit sa pamilya Duterte.


Ang apo sa tuhod ni Pangulo ay anak nina Rodrigo Duterte II at Yssa Labrador.

Si Rodrigo II ay anak ni Davao City Cong. Paolo Duterte.

Facebook Comments